ISINUSULONG ngayon ni Partido Reporma senatorial candidate Guillermo Eleazar ang pagpapaunlad pa ng emergency communication system ng bansa.
Ani Eleazar, ito ay upang mabawasan ang casualties at sira sa panahon ng kalamidad.
Batid ni Eleazar na isa sa malaking hamon ng bansa ay ang pag-responde sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.
Bukod pa rito, nais din ni Eleazar na lakihan pa ang budget ng National Disaster Risk Reduction and Management para rito.