P22.9-B gastusin sa ASEAN chairmanship, kinuwestiyon ni Sen. Imee

P22.9-B gastusin sa ASEAN chairmanship, kinuwestiyon ni Sen. Imee

Kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos ang iniulat na P22.9-B gastusin sa ASEAN chairmanship ng Pilipinas ngayong taon.

Ayon sa senadora, tila labis ang naturang halaga at mahirap bigyang-katwiran sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya at patuloy na pagtaas ng gastusin ng mga Pilipino.

“Such a substantial expenditure appears excessive and difficult to justify,” ani Sen. Imee Marcos.

Bagama’t kinikilala ng senadora ang mga diplomatikong tagumpay ng Pilipinas, umaasa sana ito sa mas matatag na hakbang tungo sa pagbuo ng isang binding at epektibong Code of Conduct sa West Philippine Sea (WPS).

Nais din sana ni Marcos na magkaroon ng mas kongkretong hakbang upang matigil ang karahasan sa Myanmar.

Binigyang-diin ng senadora na mahalagang timbangin ang mga diplomatikong tagumpay laban sa halagang ginagastos ng bansa.

“Diplomatic achievements are important, but they must also be weighed against the cost to the Filipino people,” dagdag ni Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter