P5-M halaga ng marijuana plants, sinira sa Kalinga

P5-M halaga ng marijuana plants, sinira sa Kalinga

SINIRA ng mga awtoridad ang 25,000 fully-grown marijuana plants matapos ang isinagawang operasyon sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, tinatayang nagkakahalaga ng 5 milyong piso ang mga sinirang tanim na marijuana.

Wala namang nahuling marijuana cultivator sa 2,500 square meters na taniman sa lugar.

Pinuri naman ni Carlos ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagtutulungan sa pagsira sa marijuana sa Kalinga.

Tiniyak ng heneral na kanilang paiigtingin ang kampanya upang mapanagot ang mga nasa likod ng mga tanim na marijuana.

Follow SMNI NEWS in Twitter