Pablo Azcona, itinalaga ni PBBM bilang Acting Administrator ng SRA

Pablo Azcona, itinalaga ni PBBM bilang Acting Administrator ng SRA

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating Sugar Regulatory Administration (SRA) board member Pablo Azcona bilang acting administrator ng ahensiya.

Batay ito sa listahan ng new appointees na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO).

Bukod sa SRA, nagtalaga rin si Pangulong Marcos ng iba pang bagong manunungkulan sa ilalim ng kaniyang administrasyon sa Department of Agriculture (DA), Department of Finance (DOF), Department of Justice (DOJ) at Department of Labor and Employment (DOLE), Department of National Defense (DND) at sa iba pang ahensiya.

Papalitan ni Azcona sa posisyon si dating SRA acting Administrator David John Thaddeus Alba na nagbitiw dahil sa isyu sa kalusugan.

March 24 nang kumpirmahin ng PCO ang paghain ng resignation ni Alba.

Bago nito, nakiusap si Executive Secretary Lucas Bersamin kay Alba na huwag ituloy ang pagbibitiw sa puwesto subalit bigo ang kalihim.

Naging epektibo ang resignation ni Alba noong Abril 15, 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter