“DAPAT siguraduhin na ang kailangan lang ang i-import”.
Ito ang naging pahayag ni Rep. Nicanor Briones, vice chairperson ng House Committee on Agriculture and Food sa panayam ng SMNI News, kaugnay sa plano ng pamahalaan na mag-import ng nasa 330,000 metro toneladong bigas upang mapunan ang kakulangan nito sa bansa.
Kasunod nito, sinabi rin ni Briones na walang nang limit ang pag-aangkat ng bigas kung kaya pag tumaas na ang bilang ng mga imported na bigas sa bansa, lubhang maapektuhan ang mga magsasaka dahil magiging mababa na lamang ang bentahan ng palay na binibili sa mga ito.
Kaya suhestiyon nito na kinakailangang malaman ng pamahalaan ang magiging production cost, kasabay ang pagkakaroon ng tiyak ng porsiyento ng mark-up o ang dapat kitain upang matukoy kung kailan ihihinto ang pag-iimport ng bigas sa bansa.
Sa huli, sinabi ni Briones na kung sakali man na biglang tumaas ang presyo ng bigas sa mga merkado ito’y dahil sa pagtaas ng presyo ng mga fertilizer na nabibili.
