NAPAPANAHON na upang mai-regulate ang content ng vloggers sa bansa ayon kay Senator Raffy Tulfo.
Ito’y para malabanan na rin ang pamamayagpag ng fake news.
Maganda aniya na magkaroon din ng organisasyon ang mga vlogger gaya ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas para sa responsableng pag-uulat o pamamahagi ng impormasyon.
Aniya, hindi naman gaanong nakakalusot ang fake news sa traditional media dahil may superiors ang mga ito na naka-monitor sa kanilang mga gawa.
Subalit nilinaw rin ng mambabatas na marami pa ring vloggers ang sumusunod pa rin sa responsableng content kahit pa walang naka-monitor sa kanila.
