Pagdalo sa COMELEC Presidential Debate, isinasapinal pa ng kampo ni BBM

Pagdalo sa COMELEC Presidential Debate, isinasapinal pa ng kampo ni BBM

ISINASAPINAL pa ng kampo ni presidential candidate Bongbong Marcos kung dadalo ba ito sa presidential debate ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, chief of staff ni Marcos, bago pa matapos ang linggong ito ay magbibigay na sila ng kanilang desisyon.

Nilinaw naman ni Rodriguez na kahit hindi pa tiyak ang kanilang pagdalo sa debate, kasama aniya sila sa unang meeting ng COMELEC.

Sa katunayan nga ay nirereview na ng kanilang kampo ang debate format ng COMELEC.

Sinabi na rin ni Rodriguez na kung may pagkakataon na maisiksik sa kanilang maraming schedule ang pagdalo sa COMELEC debate ay gagawin nila.

Follow SMNI NEWS in Twitter