Paggamit ng ‘digitalized food stamp’ pinag-aaralan ng DSWD

Paggamit ng ‘digitalized food stamp’ pinag-aaralan ng DSWD

PINAG-AARALAN ngayon ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ang paggamit ng ‘digitalized food stamp’ para sa pamamahagi ng ayuda.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag sa pinakauna nitong flag raising ceremony bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development.

Aniya, ito ang nakita niyang sistema sa pamamahagi ng ayuda sa U.S. na pwede rin namang gawin dito sa bansa.

Nais naman ni Gatchalian na gamitin ang sistema ng pre-paid loading system bilang mekanismo ng programa kung saan lalagyan ng load ang cellphone para makatawag at text.

‘’Para siyang load card na ilo-load mo nalang,’’ saad ng kalihim.

At sa ganitong paraan ani Sec. Gatchalian, maiiwasan na ang mahahabang pila sa pagbibigay ayuda sa mga Pilipinong nangangailangan.

Kung kailangan maipatutupad saad ng opisyal na dadaan muna ito sa masusing pag-aaral.

Follow SMNI NEWS in Twitter