TUTUNGO ngayong Martes sa Puerto Princesa Palawan si US Vice President Kamala Harris.
Sasakay si Harris sa BRP Teresa Magbanua na isa sa mga pinakamalalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, magkakaroon sila ng briefing kay VP Harris sa maritime situation sa Palawan.
Bukod diyan, magkakaroon din ng vessel tour si Harris sa barko ng Coast Guard.
Habang nakadaong sa Puerto Princessa Port ang BRP Teressa Magbanua, magkakaroon ng speech si VP Harris na sesentro sa freedom of navigation sa South China Sea o West Philippine Sea kung saan nakaharap mismo ang probinsya ng Palawan.
Ang pagbisita rin ni Harris sa Palawan ay pagpapakita ng suporta ng US sa Pilipinas sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo at pag-giit sa maritime order sa WPS.
Pagbisita ni US VP Harris sa Palawan isang ’cause of concern’ – foreign relations expert
Nakikita naman ng isang foreign relations expert na pwedeng maging cause of concern ng bansang China sa ginagawang hakbang ng US Government dito sa Pilipinas.
“So maaari siguro na magkaroon ng konting concern yung Tsina dahil alam naman natin na mayroong girian nitong makapangyarihang mga bansa na ito at ang Pilipinas dahil sa ating heograpiya, siyempre dahil sa ating alyansa sa Estado Unidos at ang Tsina bilang ating pinakamalaking trading partner no? So maaari tayong maipit sa gitna ika nga dahil nga dito sa tumitinding girian sa pagitan ng Estados Unidos at China,” ayon kay Prof. Lucio Pitlo III, Research Fellow, Asia-Pacific Pathways to Progress Foundation.
Lumalabas din aniya ang pagkahabala ng US Government sa paglakas ng impluwensya ng China sa rehiyon kaya ipinadala nito si VP Harris sa Palawan.
“Concern ng Estados Unidos itong paglakas ng impluwensya ng China dito sa rehiyon at nais niyang i-counter yon. At ung mga alyado niya gaya ng Pilipinas sa tingin ng Estados Unidos malaki ang gagampanan na papel kumbaga na ma-counter yung lumalakas na impluwensya ng Tsina,” dagdag ni Pitlo.
Pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, walang idudulot na problema –PBBM
Gayunpaman, kung si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tatanungin, wala itong nakikitang problema sa pagbisita ni VP Harris sa Palawan.
Lalo na’t malinaw sa lahat ayon sa Pangulo na teritoryo ng bansa ang kanyang pupuntahan.
“No. I don’t see why they should. She is in the Philippines and she is visiting another part of the Philippines. And of course, it is the closest area to the South China Sea, but it’s very clearly on Philippine territory. So, I don’t think there should be, I don’t think it will cause problems,” pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa katatapos lamang na APEC Summit, nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap sina President Marcos at President Xi Jinping ng China.
Dito nagkasundo ang dalawang lider na palalimin pa ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Tiniyak naman ni President Marcos kay President Xi na magpapatuloy ang independent foreign policy ng Pilipinas kahit gumagalaw ang US Government para palalimin ang ugnayan nila sa Philippine Government.
Sa tanong kung anong mga isyu ang idudulog ni Pangulong Marcos sa bise presidente ng Amerika, narito ang kanyang sagot.
“Well, it’s not necessarily issues to be raised but really I have always said that the relationship between the United States and the Philippines must continue to evolve, and it will be that,” aniya pa.
“Well, things have changed. How do we… what will the United States do in response, and what do they expect from their partners in the region,”.
“I think the — when it comes to the security and defense in the Asia Pacific, it really has to be — it really has to be a joint response. I don’t think a single country should — I don’t think any single country should [go?] It alone. I think we will do much better if we respond as a group, and I think the other countries agree,” ayon pa kay Pangulong Marcos.