Pagkakasunog ng Municipal Trial Court sa Minglanilla, Cebu, sinadya—Mayor Enad

Pagkakasunog ng Municipal Trial Court sa Minglanilla, Cebu, sinadya—Mayor Enad

KINUMPIRMA ni Minglanilla, Cebu Mayor Rajiv Enad na hindi aksidente at sinadyang sinunog ang Municipal Trial Court ng kanilang bayan.

Kinilala ang suspek na si Jose Mesa Agusto, 60 taong gulang at empleyado rin ng korte pero nasawi rin ito sa insidente.

Ayon sa report ng Minglanilla Police, batay na rin sa testimonya ng mga testigo, sinunog ni Agusto ang ilang dokumento sa ilalim ng kaniyang mesa at nang makita ito ni Judge Wilson Ibones, inutusan nito si Darwin Rondina na sitahin ang suspek.

Pero sa halip na sumunod ay pinalo pa ni Agusto sina Rondina, Ibones at iba pang empleyado ng fluorescent tube.

Ini-lock din nito ang pinto para hindi makalabas ang mga empleyado.

Nakaligtas naman ang mga empleyado nang buksan ito ng isang lalaking nakarinig ng kanilang mga pagsigaw.

Hindi naman matukoy kung ano ang motibo ni Agusto sa ginawang krimen.

Nagpasalamat naman si Mayor Enad sa mga awtoridad sa mabilis na pag-apula ng sunog.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble