Deadline sa consolidation ng PUV operators, hindi na palalawigin pa—PBBM

Deadline sa consolidation ng PUV operators, hindi na palalawigin pa—PBBM

HINDI na palalawigin pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang deadline para sa consolidation ng mga operator ng public utility vehicles (PUV) na itinakda sa Disyembre 31.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ng Pangulo na halos 70 porsiyento ng lahat ng operator ay nakikipagtulungan at nagkakaisa sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi maaaring maantala ito dahil makaaapekto ito sa mga operator, bangko, financial institutions at sa publiko.

Matatandaan na patuloy na nagsasagawa ng kilos-protesta ang ilang transport group para pigilan ang PUV Modernization Program ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble