Paglalabas ng higit P2-B pondo para sa insurance premium subsidy ng indigent members ng PhilHealth, inaprubahan na

Paglalabas ng higit P2-B pondo para sa insurance premium subsidy ng indigent members ng PhilHealth, inaprubahan na

INAPRUBAHAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng higit dalawang bilyong piso (P2,021,895,000.00) sa PhilHealth.

Sakop ng nasabing pondo ang National Government (NG) health insurance premium subsidy para sa mga mahihirap na miyembro.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na sinasaklaw ng Special Allotment Release Order (SARO) ang subsidya ng natitirang mahigit 600,000 (673,965) indigent members.

Naka-enroll ang mga ito sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) para sa Enero hanggang Disyembre 2022 o ang final billing period.

Sa ngayon, naglabas ang DBM ng mahigit P79.93 bilyon sa pamamagitan ng tatlong magkahiwalay na SARO para sa subsidya na tumutugma sa iba’t ibang billings para sa buong taon ng 2022.

Sinasaklaw nito ang mga premium ng health insurance ng higit 21.1 million (21,161,308) indirect contributors.

Follow SMNI NEWS in Twitter