Pagpaslang sa school principal sa Maguindanao, kinondena ng DepEd

Pagpaslang sa school principal sa Maguindanao, kinondena ng DepEd

Mariing kinondena ni Education Secretary Sonny Angara ang pagpaslang sa school principal sa Maguindanao del Sur noong Nobyembre 17.

Sa opisyal na pahayag ng Department of Education (DepEd), ipinaabot ng ahensiya ang pakikiramay sa pamilya ng biktima, mga mag-aaral at sa buong komunidad ng Pendililang Piang Elementary School sa Maguindanao.

Kinilala ang napaslang na si Dr. Dionel Villabito Mahusay na patungo na sana sa paaralan sakay ng kaniyang minivan nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan. Nagtamo siya ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan.

Binigyang-diin ng DepEd na walang sinumang guro ang dapat mawalan ng buhay habang naglilingkod sa komunidad. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter