Mahigit 1,200 OFWs mula Saudi Arabia ang na-repatriate na ng pamahalaan simula Oktubre 10, ayon sa Department of Migrant Workers.
Pinakahuli rito ang 57 OFWs mula Riyadh na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Martes ng gabi.
Pinangunahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagbibigay ng assistance sa mga umuwi, kabilang ang pagkain, transportation, temporary accommodation, at psychosocial counseling.
Sumailalim din sa medical checkup ang mga repatriated OFWs sa tulong ng Manila International Airport Authority.
Sinimulan ang repatriation matapos maapektuhan ang mga flight dahil sa pag-atake ng Houthi rebels sa King Khalid International Airport sa Riyadh.
Pinayuhan ang mga OFW na nangangailangan ng tulong na tumawag sa 24/7 DMW-OWWA hotline na 1348.
