PATULOY pa rin ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas para mailikas ang mga Pilipino mula sa Ukraine.
Sa kasalukuyan, anim na mga Pinoy na ang naiuwi sa Pilipinas at inaasahang may darating pa sa bansa sa susunod na mga araw.
Bukod sa anim na Pilipino na nakauwi na dito sa Pilipinas noong nakaraang linggo, labing tatlo naman sa kababayan ang naitawid na sa Warsaw, Poland, lima ang nasa Moldova at 40 naman ang nasa Lviv, Ukraine.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos pumunta si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kahapon sa Rava-Ruska-Hrebenne border crossing station sa Poland upang salubungin ang 13 Pilipinong inilikas mula sa Ukraine.
Ang mga evacuees ay pinangunahan ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz, na siyang nangangasiwa sa pagsisikap ng gobyerno na ma-repatriate ang mga Pilipino mula sa Ukraine.
Matapos dumalo sa EU Ministerial Forum for Cooperation in the Indo-Pacific sa Paris, dumating ang kalihim sa Poland kahapon ng hapon para tumulong sa pagtanggap sa unang grupo ng mga Filipino evacuees na kasama rin ni Assistant Secretary for European Affairs Jaime Victor Ledda.
Matapos ang limang oras na pag-aantay, makikita sa video na tinanggap ni Secretary Locsin ang mga lumikas na sakay ng bus, ipinamahagi ang mga pagkain at tubig sa mga evacuees.
Ang paglikas ng mga apektadong Pilipino sa Poland ay bahagi ng pagsisikap ng DFA na tiyakin ang agarang kaligtasan ng mga Pilipino sa Ukraine sa gitna ng tensyon doon.
Patuloy na hinihikayat ng DFA ang mga Pilipino sa Ukraine na mag-ingat at manatiling mapagbantay, at makipag-ugnayan kaagad sa Embahada ng Pilipinas sa Lviv o sa Consulate General sa Kyiv para sa kanilang agarang tulong.
“We are on high alert 24/7 to ensure that Filipinos are safe in this conflict. Our embassies in Poland and Hungary have been working hard these past days to account for each Filipino in Ukraine, and to repatriate them as soon as possible. Our people only need to ask, and we will get them home safe,” pahayag ni Locsin.
Kahapon, kinumpirma ng DFA ang ligtas na pagdating ng mahigit 40 Pilipino mula Kyiv.
Pansamantala muna silang dinala sa isang hotel sa Lviv para makapasok sa Poland at para makasakay ng kanilang flight pabalik ng Pilipinas.
Ang mga Pilipino sa Ukraine na gustong ma-repatriate ay maaaring makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Warsaw, Hungary, at Moldova.
Filipinos in Ukraine who wish to be repatriated may get in touch with the Philippine Embassy in Warsaw through the following contact details:
Email: [email protected]
Emergency Hotline: +48 604 357 396
Office Mobile Number: +48 694 491 663
Hungary
Budapest PE Emergency Hotline: +36 30 202 1760
Assistance-To-Nationals Officer: +36 30 074 5656 (mobile);
+63 966 340 4725 (Viber)
Moldova
Consul Victor Gaina
Mobile number and WhatsApp: +37369870870
Email addresses: [email protected]; [email protected]
Filipinos may also get in touch with the Department of Foreign Affairs through the following social media accounts: https://www.facebook.com/DFAPHL; https://www.facebook.com/OFWHelpPH
