Panukalang batas para sa 5-year term ng Barangay, SK officials isinusulong

Panukalang batas para sa 5-year term ng Barangay, SK officials isinusulong

NAIS ngayon ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian na gawing limang taon na ang termino ng mga opisyal sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

Batay sa House Bill 3689 ni Gatchalian na chairman ngayon ng House Committee on Local Government, gagawin nang lima mula sa kasalukuyang tatlong taong termino.

Giit ng mambabatas na mahalaga ang papel na ginagampanan ng barangay officials kaya dapat mapahaba ang termino ng mga ito.

Layon naman ng panukala na amyendahan ang Local Government Code of 1991.

Punto naman ni Gatchalian na masyadong bitin ang 3 taong term sa barangay para makapagpatupad ng mga programa at polisiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter