Iginiit ni Senator Bong Go na serbisyo at pagtulong sa kapwa ang dapat unahin at hindi ang pagpapalaganap ng fake news.
Kasunod ito ng paglilinaw ng Ayala Alabang Village Association na wala siyang anumang ari-arian sa loob ng subdivision.
Ayon kay Village Manager Emmanuel Adizon, batay sa kanilang records ay walang property na nakarehistro sa pangalan ni Sen. Go.
Kinumpirma rin ni Barangay Ayala Alabang Secretary Robert Reyes na wala silang natanggap na anumang transaksyon o dokumento na may kinalaman sa senador.
Dahil dito, muling nanawagan ang senador na itigil ang bangayan at ituon ang panahon sa pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng krisis.
