Brooklyn Nets tinalo ng New York Knicks sa iskor na 134-98

Brooklyn Nets tinalo ng New York Knicks sa iskor na 134-98

Panalo ang New York Knicks kontra Brooklyn Nets sa iskor na 134-98 sa kanilang laban nitong Linggo, Nobyembre 9, 2025 (U.S. time) o Nobyembre 10, Philippine time.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Knicks at nananatili silang 6-0 sa kanilang home court.

Bumida si Karl-Anthony Towns para sa Knicks na may 28 points at 12 rebounds.

May ambag naman sina Jalen Brunson at OG Anunoby ng tig-19 points; 16 points mula kay Mikal Bridges; habang may tig-11 points sina Josh Hart at Jordan Clarkson.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble