Pahayag ng UN official na buwagin ang NTF-ELCAC, ikinadismaya ng ilang unit ng PH Army

Pahayag ng UN official na buwagin ang NTF-ELCAC, ikinadismaya ng ilang unit ng PH Army

DISMAYADO ang ilang unit ng Philippine Army matapos ang ginawang pahayag ng UN official na buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) habang ang grupo naman ng mga magulang itinuturing na insulto sa mga Pilipino ang suhestiyon ng dayuhan.

Ano nga ba talaga ang intensiyon ni Khan – para sabihin nitong dapat nang buwagin ang NTF-ELCAC.

Ito nga tanong ng ilang unit ng Philippine Army.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay MGen. Audrey Pasia, commander ng 5th Infantry Division (51B) ng Philippine Army, inamin niyang dismayado sila sa hirit na ito ni Khan.

“Tama ka, doon talagang nakakadismaya kasi ‘yung kaniyang pronouncement against the Philippine government ay maling-mali at hindi tama, kasi mukhang noong pumunta siya dito meron na siyang mga gusto na niyang gawin. Ginawa niya lang dahilan papunta dito pero buo na sa kaniyang purpose na ang kaniyang gagawin dito ay sisirain ‘yung ahensiya ng gobyerno,” ayon kay MGen. Audrey Pasia, Commander, 5th ID, PA.

Sinabi pa ni Gen. Pasia na kaya nasabi ito nasabi ni Khan ay dahil na-brainwash ito ng mga makakaliwang grupo.

“Pati foreigner bine-brain wash nila, sana itong ating mga kapwa Pilipino na ito na walang hinahangad kondi sirain ang Pilipinas at ang kanilang kapwa Pilipino they should come into their real senses na mali ang ginagawa nila wag nyo labanan ang gobyerno kasi sa halip na labanan ninyo tulungan ninyo at ipagdasal na magtagumpay tayo, kasi kung masisira tayo dito, kung masisira ang gobyerno para tayong nasa iisang bangka kung mabubutas ito ay sisirain, sama-sama tayo, at lahat tayo ay lulubog,” dagdag ni Pasia.

Para naman kay LtCol. Mark Antony Ruby, commander ng 80th IB, PA, nakakalungkot isipin na hindi nakikita ng mga kritiko ang mga magagandang nagawa ng NTF-ELCAC.

“Sad to say, ang ating mga kritiko ng NTF-ELCAC ito ay napaka-epektibong programa ng gobyerno. Sa katotohanan, dito sa probinsiya ng Rizal and even ‘yung mga NPA na nagsurrender they can, atest hirap na hirap ang hukbo dahil sa programa ng NTF-ELCAC,” ayon kay LtCol. Mark Antony Ruby, Commander, 80th IB, PA.

Suhestiyong buwagin ang NTF-ELCAC, insulto sa mga Pilipino—grupo ng mga magulang

Samantala, para naman kay Relissa Lucena, president at founder ng Yakap ng Magulang Movement, masyadong biased at talaga namang insulto para sa mga Pilipino ang gustong mangyari ni Khan.

“Napakalaki talagang insulto kasi una sa lahat ‘yung nagsasabi sa kaniya na front terrorists ng mga CPP-NPA-NDF o itong kalaban talaga ng bayan natin,” ayon kay Relissa Lucena, President, Yakap ng Magulang.

“Napaka bias ng kaniyang comment, napaka bias ng kaniyang suggestion at recommendation kasi wala siyang kinausap na mga biktima mga former rebels na mga pamilya, hindi siya patas,” dagdag  ni Lucena.

Kung tutuusin ay wala naman itong karapatang makialam sa ating bansa lalo’t para buwagin ang isang kapaki-pakinabang na ahensiya ng gobyerno.

“Wala siyang karapatan na magrecomend ng ganun o mag suggest at hindi siya puwedeng magsalita in behalf of our country dahil hindi niya alam kung anong totoong nangyayari, at ang kinakausap niya lang o ang kinakausap niya lang intentionally or hindi ko alam puro mga front organization ng CPP-NPA, ‘yung mga party-list na nakusap niya sila mismo ang nang-rerecruit ng mga kabataan na sumampa sa kabundukan,” wika ni Lucena.

Nauna nang pinalagan ng mismong NTF-ELCAC at ng National Security Council (NSC) ang pahayag ni Irene Khan.

“Her call for the abolition of the NTF-ELCAC is a lame attempt to breathe life to a dying terrorist movement. Contrary to the ill-informed opinion of Irene Khan that the NTF-ELCAC is ‘outdated’, the NTF-ELCAC remains as the single most relevant task force in the Philippines whose accomplishments will reverberate across many generations of Filipinos and whose achievements have brought back the pride to the Filipino as a people and as a nation,” ayon kay Usec. Ernesto Torres, Jr., Exec. Dir. National Secretariat, NTF-ELCAC.

“The NTF-ELCAC is, and will always be relevant. This is something that Irene Khan failed to comprehend,” ani Torres.

“Once all guerilla fronts have been dismantled – hopefully this year – the NTF-ELCAC intends to transition to NTF-unity, peace, and development but not a day sooner. We have relayed this position to UNSR. Irene Khan during the exit conference and we hope, she will consider this in her final report,” ayon kay Sec. Eduardo Año, National Security Adviser, Dir. Gen., NSC.

Ang NTF-ELCAC ay isang task force ng gobyerno na binuo noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Malaki ang naging papel ng NTF-ELCAC sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa mga liblib na lugar.

Dahil din dito ay libu-libong mga dating rebelde ang nagbalik-loob sa pamahalaan mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao, idagdag pa ang hindi na rin mabilang na mga gamit pandigma na isinurender sa mga awtoridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble