Pakikipag-ugnayan ng PSC at South Africa, pinaigting

Pakikipag-ugnayan ng PSC at South Africa, pinaigting

PINAIGTING pa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ugnayan nito sa South Africa kasabay ng ika-30 taon ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Kasabay rin nito ang pagsasagawa ng Nelson Mandela Boxing Exhibition dito sa bansa noong Huwebes, Hulyo 27, sa Rizal Memorial Sports Complex sa lungsod ng Maynila.

Nasa 10 boksingero ang nagpakitang-gilas kasama si Boxing Alliances in the Philippines, Inc. Secretary General Marcus Manalo.

Dinaluhan din ito ng ilang diplomats mula sa South Africa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter