IBINUNYAG ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel sa naging pagdinig ng Commission on Appointments (CA) sa Senado na hawak na nila ang ilang pangalan ng pinaghihinalaang agricultural smugglers.
Aniya, ang pangalan ay binigay sa kaniya mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Tiniyak din nito na kanila itong ta-trabahuin sa unang bahagi sa susunod na taon katuwang ang bagong intelligence at enforcement unit ng DA.
Sakali naman aniyang mapatunayang sangkot sa ilegal na gawain ang mga pinangalanan ay agad nila itong sasampahan ng kaso.