Panibagong SRP sa school supplies, inaasahang ilalabas sa susunod na linggo

Panibagong SRP sa school supplies, inaasahang ilalabas sa susunod na linggo

MAGLALABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong suggested retail price (SRP) para sa school supplies.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na maaaring sa susunod na linggo nito ipapaalam ang bagong SRP.

Bukod dito, inilahad din ng opisyal na nakadepende ang presyo kung saan bibilhin o kung sa mga tindahan kagaya ng Divisoria o bookstore sa loob ng mall.

Ipinaliwanag ng DTI na iba-iba talaga ang presyo ng school supplies kaya naka-range ang price guide ng ahensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter