Donald Trump, nanindigang inosente sa 34 counts ng felony

Donald Trump, nanindigang inosente sa 34 counts ng felony

NANINDIGAN si Donald Trump na inosente ito sa 34 counts ng felony sa loob ng New York court room bago pa man magsimula ang trial nito matapos itong maging kauna-unahang American president na maaresto dahil sa kasong kriminal.

Nagkusang sumuko si Trump sa awtoridad matapos ang mga alegasyong kinasasangkutan ng hush money payments o panunuhol.

Pinasinungalingan ni Trump ang lahat ng alegasyon laban sa kaniya kabilang na ang panunuhol nito upang manahimik ang umano’y relasyon nito sa dating adult film actress.

Inakusahan ang 76 taong gulang na hotel tycoon ng pamemeke ng business records para hindi makalusot sa pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Judge Juan Merchan, maaaring magsimula pa ang trial sa January at ibig sabihin ay maaaring nasa loob si Trump ng court room habang nagsisimula ang primary elections sa presidential race sa susunod na taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter