NAGSAMPA ng mga reklamo ang National Electrification Administration (NEA) sa Department of Justice (DOJ) nitong Mayo 27, 2025 laban sa mga opisyal ng dalawang electric cooperatives.
Ang mga inireklamo ay ang First Bukidnon Electric Cooperative Inc. (FIBECO) at Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) dahil sa umano’y mismanagement at iba’t ibang anomalya.
Partikular na isinampa sa mga ito ang mga kasong kriminal para sa syndicated estafa at qualified theft.
Layon ng reklamo laban sa INEC ang papanagutin ang mga dating at kasalukuyang opisyal ng kooperatiba dahil sa umano’y paglustay ng humigit-kumulang P118M mula sa employees’ retirement fund ng INEC.
Samantala, sa FIBECO naman, inakusahan ang dating acting general manager nila ng pag-abuso sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng pagpeke ng ilang transaksiyon.
Kabilang ang umano’y pakikipagsabwatan para sa ilegal na pagbili ng isang lote na nagkakahalaga ng P11.55M na hindi naman talaga nakuha, at ang paglipat ng P6M sa kaniyang personal na account.
