Pasig River Ferry Service, nakapagtala ng mataas na ridership ngayong 2022

Pasig River Ferry Service, nakapagtala ng mataas na ridership ngayong 2022

NAKAPAGTALA ang MMDA Pasig River Ferry Service (PRFS) ng mataas na bilang ng ridership ngayong 2022.

Batay sa datos ng PRFS, as of September 2022, nakapagtala sila ng 16,226 na ridership na mas mataas kumpara sa 2,806 noong September 2021.

Mas mataas din ito kumpara sa 15,115 noong August 2022.

Ayon sa PRFS na mataas ang ridership nito dahil sa pagtanggap ng publiko rito bilang alternatibong paraan ng transportasyon sa Metro Manila.

Dagdag pa ng pamunuan ng ferry service na noong Enero 2022 ay tuloy-tuloy ang pagtaas ng ridership o bilang ng mga sumasakay sa ferry dahil bukod sa iwas-traffic na at libre pa ang pamasahe.

 

Follow SMNI News on Twitter