PBBM sang-ayon baguhin ang working hours sa Metro Manila

PBBM sang-ayon baguhin ang working hours sa Metro Manila

SANG-AYON si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa suhestiyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baguhin na ang working hours sa Metro Manila.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na aniya ang mungkahing ito at sinabi ng pangulo na ikokonsulta rin nila ang suhestiyon sa commuting public kung praktikal ito para sa kanila.

Matatandaang inirerekomenda ng MMDA ang pagkakaroon ng panibagong working hours para sa lahat ng national government agencies na naka-base sa National Capital Region (NCR).

Paliwanag ng MMDA, makatutulong ito upang mapagaan ang masikip na daloy ng mga sasakyan lalo na’t isasailalim na sa isang rehabilitasyon ang EDSA sa buwan ng Marso.

Sa rekomendasyon, gawin na lang anila na 7 AM hanggang 4 PM ang working hours ng government agencies.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter