Persons of interest sa nagpapakalat ng disinformation sa pag-aresto kay FPRRD tukoy na ng PNP

Persons of interest sa nagpapakalat ng disinformation sa pag-aresto kay FPRRD tukoy na ng PNP

INIISA-isa na ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang mga indibidwal na umano’y nagpapakalat ng mga fake news sa social media.

Ito’y may kaugnayan sa usapin ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ngayon ay nasa International Criminal Court (ICC) na para dinggin ang kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kaniya.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director at Concurrent PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo, mayroon na silang natukoy na mga pangalan na nagpapakalat ng fake news at disinformation.

Matatandaan, tinatadtad ng batikos ngayon ang PNP dahil sa umano’y ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Duterte kung saan mismong PNP ang nanguna sa pagsisilbi ng warrant laban sa dating Presidente.

Sa kabilang banda, muling nanindigan ang PNP na sinunod lamang nila ang kahilingan ng INTERPOL na kanilang matagal nang katuwang sa pagpapatupad ng batas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble