PH Army, mas pinalakas ang search and rescue operation sa Masara Davao de Oro

PH Army, mas pinalakas ang search and rescue operation sa Masara Davao de Oro

DALAWANG Light Urban Search and Rescue (USAR) teams mula sa 525th Engineer Combat Battalion (525ECBn) ng 51st Engineer Brigade ang tumulong upang mapabilis ang pagsagip sa mga nawawalang indibidwal bunsod ng pagguho ng lupa sa Brgy. Masara, Davao de Oro.

Ayon kay Col. Louie Dema-ala, puspusan ngayon ang ginagawang search and rescue ng mga kasundaluhan sa pag-asang mayroon pa silang buhay na maisasalba.

Matatandaan na gabi noong Pebrero 6 nang maganap ang nasabing landslide sa naturang lugar at natabunan ang ilang bus at mga kabahayan sa isang mining community sa Brgy. Masara.

Samantala, pinuri naman ng liderato ng Philippine Army ang mga kasundaluhan at ang mga rescue team dahil sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon upang mahanap ang mga nawawalang indibidwal.

Kasabay nito pinuri din ng Philippine Army ang milagrong pagkakasagip sa isang batang babae mula sa nangyaring landslide.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble