PINANGUNAHAN ng Hollywood actress na si Angelina Jolie ang pagbibigay ng donasyon para sa mga naging biktima ng lindol sa Turkiye at Syria.
Ito ay sa pamamagitan ng pag-apela nito ng kahit anong tulong-donasyon matapos ang pagwasak ng lindol sa magkalapit na bansa na ikinamatay ng libu-libong katao.
Sa kanyang social media post, nagpalabas ng saloobin ang aktres na nakikidalamhati ito sa mga taong kasalukuyang nagdurusa sa nasabing bansa kasabay ang isang donation link para sa mga gustong magbigay ng donasyon.
Magugunitang, ang 7.7- at 7.6-magnitude na lindol, na nakasentro sa Turkish Kahramanmaras, ay nakaapekto sa mahigit 13 milyong tao sa 10 probinsya na kumitil ng nasa mahigit kumulang 29,000 katao.