Photo and video contest sa Pinaglabanan Shrine, inilunsad

Photo and video contest sa Pinaglabanan Shrine, inilunsad

NAGLUNSAD ngayon ng photo and video contest ang San Juan City government kung saan ang subject ay ang mga monumento sa Pinaglabanan Shrine.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, subject ng Makabagong San Juan-Pinaglabanan Shrine Photo ang Video contest ay ang limang shrine.

Kabilang dito ang Bonifacio, Rizal, Jacinto, Spirit of Pinaglabanan monuments at ang El Deposito Underground Reservoir.

“Ito ay bukas sa bawat Pilipino, anuman ang iyong edad saan man kayo sa ating bansa,” ani Mayor Zamora.

At dahil nationwide ang contest, nanawagan si Zamora sa lahat ng gustong sumali na bisitahin ang Pinaglabanan Shrine para sa video and photo shoot at i-post ang entries sa Facebook, Instagram, Tiktok at Youtube gamit ang hashtag na #ExperienceMakabagongSanjuan.

Tatanggap ng P100,000 na papremyo ang tatanghaling best photo at kaparehas na halaga rin sa mapipiling best video.

Ngayong araw Hunyo, 12 ang simula ng pagtanggap nila ng entries na tatagal naman hanggang Agosto 15 habang sa Agosto 30 naman o sa mismong ‘Araw ng Pinaglabanan’ iaanunsiyo ang nanalo.

Follow SMNI NEWS in Twitter