Pilipinas, isa sa may pinakamababang rate para sa freelancers—Survey

Pilipinas, isa sa may pinakamababang rate para sa freelancers—Survey

PANG-pito ang Pilipinas sa may pinakamababang bayad sa freelancers.

Sa pag-aaral ng invoicing software company na Bookip, nasa 106.70 dollars o katumbas ng P6,110 ang price per job ng isang Pinoy freelancer.

Nangunguna naman sa may mababang bayad sa freelancers ang bansang Colombia na nasa 72.13 dollars per job; sinundan ng Brazil na may 79.81 dollars; Argentina na may 80.84 dollars; Jamaica na may 88.63 dollars; Venezuela na may 93.41 dollars; at Germany na may 102.35 dollars.

Samantala, ang bansang may mataas na bayad sa freelancers ay ang Australia na may 594.56 dollars o P34, 074.

Sinundan ito ng India na may 501.00 dollars.

Ayon sa Bookip, madalas na mga bansang may masiglang ekonomiya ang nagbibigay ng mataas na bayad para sa kanilang freelancers.

Sa India nga lang paliwanag ng software company, maaaring makapag-demand ng mataas na rate ang isang freelancer dahil sa kanilang specialized skills at expertise sa software development, IT services, at digital marketing.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter