LUMABAS mula sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) na ang pneumonia ay isa sa mga nangungunang sanhi ng kamatayan hindi lamang sa mga matatanda kundi maging sa mga bata.
Ito ang lumabas sa ginawang media forum ng mga stakeholder kasabay ng World Pneumonia Day.
Batay sa datos, 700,000 na mga bata na may limang taong gulang ang namamatay kada taon dahil sa pneumonia.
Kasama na sa bilang ang 200,000 newborn na namamatay kada taon dahil sa sakit.
Ang pneumonia ayon sa mga health expert ay pwedeng tumama kahit kanino at kahit saan.
Saad pa nila na maaring magkaroon ng pneumonia dahil sa mikrobyo, air pollution o dahil sa malnutrition.
Mahalaga aniya na magbakuna kontra pneumonia ang mga bata at matanda para makaiwas sa sakit.
