AFP joint exercises 2023, pormal nang nagtapos

AFP joint exercises 2023, pormal nang nagtapos

ISINAGAWA araw ng Biyernes ang closing ceremony ng 2023 AFP Joint Exercises Dagat-Langit-Lupa (AJEX DAGITPA) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ni Defense Senior Undersecretary Irineo Espino na kinatawan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

“Sa nakalipas na mga linggo, naging puspusan ang inyong pagpa-plano at pagsasanay mula dito sa Camp Aguinaldo hanggang sa Cagayan at Ilocos Norte, nakakasiguro ako na marami kayong natutunan at nasubok na kakayahan na naging basehan ng ating mas matatag at malakas na Hukbong Sandatahan,” saad ni Usec. Irineo Espino, Department of National Defense.

Kabilang sa ginawang pagsasanay ang kakayahan ng AFP pagdating sa cyber security.

Ayon kay Col. Michael Logico Designated spokesperson ng AJEX-DAGITPA na magiging kasali na sa mga gagawin nilang pagsasanay ang cyber defense exercises upang sa gayon ay mapigilan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang banta sa cyber security.

“We are actually building our own cyber defense capabilities ever since ‘yung mga previous Balikatan Exercises and also the AJEX Exercise now cyber defense exercises is a common fixture on joint exercises like on this scale,” ayon kay Col. Michael Logico, Designated spokesperson, AJEX-DAGITPA.

Dagdag pa ni Col. Logico na bagama’t marami silang natutunan nitong mga nakaraang pagsasanay, aminado ang opisyal na marami pa silang dapat na ayusin sa kanilang hanay.

Kaya naman importante aniya na kanilang ia-assess ang mga ito upang maging mas epektibo ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa taong bayan.

“Actually although we have seen a lot of improvement from previous exercises, we are looking a lot of areas that we need to improve upon and this is exactly where the assessment and the after-action reviews of the exercises will be very important,” pahayag ni Col. Michael Logico, Designated Spokesperson, AJEX-DAGITPA.

Bago pa man tuluyang nagtapos ang pagsasanay, nagkaroon muna ng Joint Combined Arms Live Fire Exercise (CALFEX) sa Camp Cape Bojeador, Burgos, Ilocos Norte.

Ginamit dito ang AW109 Rocket para sa close air support at ang ATMOS 155mm Howitzer at 105mm Howitzer para sa firing battery.

Habang ipinamalas din ng Philippine Army, Philippine Marines at Philippine Air Force ang kanilang assets sa Joint Urban Operations.

Kung matatandaan, nagsimula ang naturang joint exercise noong Nobyembre 6, 2023 at nabatid na mahigit 1,500 active at reserve forces ang lumahok sa AJEX DAGITPA ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble