NAKAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) sa seguridad ng FIBA Basketball World Cup 2023 sa Biyernes, Agosto 25.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na sapat ang naka-deploy nilang tauhan sa strategic areas gaya ng paliparan, billeting areas at mga pangunahing lansangan na daraanan ng mga convoy.
Ayon kay Fajardo, nakasuporta ang PNP sa organizer sa mismong venue upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga manonood.
Kasabay nito, nanawagan ang PNP sa publiko na habaan ang pag-unawa dahil asahan ang mahigpit na seguridad sa mga laro.
Pinaalalahanan din ang mga pulis na tutukan ang kanilang misyon at iwasan na makipag-selfie sa mga manlalaro.