Yohan Agoncillo, isa nang certified commuter

Yohan Agoncillo, isa nang certified commuter

IPINAKITA ng celebrity mom na si Judy Ann Santos sa anak nitong si Yohan Agoncillo ang kahalagahan ng pag-commute bilang bahagi ng buhay kolehiyo.

Ibinahagi ni Juday sa kaniyang Instagram story ang unang pagsama niya kay Yohan sa pagsakay sa iba’t ibang paraan ng transportasyon na may caption na ‘jeep ride para sa aming kolehiyala’.

Ayon kay Juday, kailangang matutunan ni Yohan ang mga ruta ng jeep na sasakyan nito patungo sa kaniyang eskwelahan.

Payo rin ng aktres kay Yohan na sa pagpasok nito sa bagong kabanata ng kaniyang buhay ay maraming magbabago kung saan mararanasan nito ang maraming ups and downs para sa ikabubuti nito at maging mas responsable pa.

Samantala proud at suportado nina Juday at Ryan Agoncillo ang pagpupursige ng anak sa pag-abot nito sa kaniyang pangarap.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble