PNP, makikipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado sa P6.7-B halaga ng shabu

PNP, makikipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado sa P6.7-B halaga ng shabu

MAKIKIPAGTULUNGAN ang Philippine National Police (PNP) sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa 6.7 bilyong pisong halaga ng iligal na droga na nasamsam sa Maynila noong Oktubre 2022.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. na isang magandang hakbang ang nais ni Senador Bong Revilla upang mabigyan ng linaw ang lahat ng isyu na may kaugnayan sa nasabing operasyon.

Sinabi ni Azurin na nananatiling agresibo ang kampanya ng PNP sa iligal na droga sa bansa.

Sa katunayan, nakabinbin aniya sa korte ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.

Tiniyak ni Azurin na may internal mechanisms, functional internal policies at guidelines ang PNP upang matiyak ang integridad ng organisasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter