Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng forensic, investigative at law enforcement support sa imbestigasyon sa nasunog na barkong MV June Aster fire sa Palawan.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin nitong matukoy ang sanhi ng insidente at mapapanagot ang mga dapat managot.
Napag-usapan ang pagbuo ng inter-agency task force sa pagitan ng PNP at Philippine Coast Guard (PCG) sa pangunguna ni Admiral Ronnie Gil Gavan.
Umabot na sa 77 ang nasawi, habang 43 ang nakaligtas at walong tao pa ang nawala matapos masunog ang MV June Aster noong Setyembre 9.
Tumulong na rin ang PNP sa pagkilala sa mga biktima, habang patuloy ang pagkuha at pagpreserba ng mga ebidensya sa barko.
Ipinag-utos din ni Nartatez ang pagtatayo ng police assistance desks sa Coron at Manila para sa mga survivor at pamilya ng mga biktima.
