BINATIKOS ng mga kilalang political analyst ang pagpapatupad ng programang P20 kada kilong bigas at ang pamimigay ng ayuda ng pamahalaan. Anila, ito ay hindi lamang isyu ng timing at kakayahang panatilihin, kundi may malalim na bahid ng politikang pansarili.
“Iyan ay nagpapatunay na bangkarote na talaga ang utak ng mga namumuno ngayon sa ating bansa dahil ang kanilang pinaiiral ay pagmumudmod ng ayuda and in this kind ayuda na inkind. Hindi naman makakaresolba ito,” ayon kay Adolfo Paglinawan, Political Analyst.
Matapang ang binitiwang pahayag ni Adolfo Paglinawan, isang batikang political analyst, laban sa kasalukuyang administrasyon. Para sa kaniya, ang pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo sa Visayas ay hindi maituturing na solusyon sa mahal na presyo ng bigas.
Binatikos niya ang tila pagsasaisantabi ng gobyerno sa prinsipyo ng supply and demand na isang konsepto sa ekonomiya na aniya’y sinagasaan para lamang magmukhang may ginagawa.
“This is price manipulation. This is inabolish nila ‘yung law of supply and demand. Talagang pilay na. Bagay na talaga ang mga nagsasakatuparan ng mga polisiya ng gobyerno,” ani Paglinawan.
Political Analyst: Motibo sa 20/kilo na bigas sa Visayas, kahina-hinala
Samantala, para kay Prof. Froilan Calilung, huli at kapansin-pansin ang timing ng programang ito. Ipinangako ito noong 2022, ngunit bakit ngayon lang ipinatutupad, sa mismong panahon ng nalalapit na halalan?
“So, I think I agree with the decision of the COMELEC na huwag muna itong ipatupad at least for the moment because this may be considered as an act of legitimate vote buying on the part of the government,” wika ni Prof. Froilan Calilung, Political Analyst.
Kinuwestiyon niya rin ang mismong batayan at kabuuang disenyo ng naturang programa. Maling-mali raw ang pagkukuwenta at ipinilit lang ang P20 kahit hindi ito realistic batay sa kasalukuyang presyo sa merkado.
“Alam mo ang mechanics nito ay mga bobo ang nag-iisip. Unang-una ang presyo ng bigas P33. Tapos pamumodmod ng mga local government units na nagsi-share ng P650 ang nasyonal sa local P650. So P13. So binawas nila P20,” ayon pa kay Paglinawan.
Samantala, para naman kay Prof. Calilung, malinaw na tila pabuya ang P20 na bigas sa mga botante na isang uri raw ng vote buying mula sa gobyerno.
“Let’s face it, if you’re going to let’s say buy rice at the normal price let’s say of P50. But then again here’s the government giving it to you for P20. Parang lumalabas ang P30 ‘yan para bang vote buying na rin kasi ‘yun ‘yung difference between P50 and P20 rise. So, I believe this is something na talagang naaayon. Another question here is the sustainability not just the timing,” dagdag ni Calilung.
Ayon sa kaniya, ang usapin dito ay hindi lamang kung kailan ito isinagawa, kundi kung hanggang kailan ito kayang panatilihin. Ang tunay na pagsubok ng programa ay ang consistency at kakayahan nitong magtagal.
Nagbabala ang dalawang analyst: ang programang ito ay baka raw pansamantalang aliw lamang at isang uri ng pantakip sa mas malalim na kakulangan ng gobyerno.
“This is an artificial supply. ‘Pag natapos na ‘yan, ano ang mangyayari? Wala ng election. Balik na naman ‘yan sa 54 hanggang 65. Malawakang panloloko. Kung sa akin ang bigayong 10 billion na ‘yan, alam ko kung san ilalagay ‘yan,” ani Paglinawan.
“Pero if this is going to be done only right now, at the moment, and hindi natin masasagawa ito ng pangmatagalan, then I think medyo na to, medyo may problema talaga. So, number one is the timing, consistency and sustainability of the program. These are the very things that I think that the government should address regarding this 20peso rice,” ani Calilung.