Posibleng masamang epekto ng Bagyong “Maymay” sa Quirino at Aurora, pinaghahandaan na –DPWH

Posibleng masamang epekto ng Bagyong “Maymay” sa Quirino at Aurora, pinaghahandaan na –DPWH

INIHAHANDA na ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang posibleng masamang epekto ng tropical depression ng Bagyong “Maymay”.

Na nagdulot ng masamang panahon at pagguho ng lupa na hanggang ngayon ay nakaapekto sa kalsada na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Quirino at Aurora.

Sa advisory na inilabas, sinabi ng DPWH-Quirino District Engineering Office (DPWH-QDEO) na namonitor nila ang isang malaking landslide sa kahabaan ng Dissimungal, Nagtipunan, Quirino na nakaapekto sa daloy ng trapiko sa lugar.

Sinabi ng QDEO na isinara nito ang kalsadang nag-uugnay sa Quirino at Aurora dahil sa pagguho ng lupa at pagbagsak ng bato mula sa bundok.

Samantala nagbabala si DPWH Regional Director Nomer Abel P. Canlas sa publiko na iwasang tumawid sa nasabing kalsada dahil sa biglaang pagbagsak ng mga bato mula sa bangin sa kahabaan ng eroding slope ng kalsada.

 

Follow SMNI News on Twitter