Power interruption mararanasan sa Metro Manila at 5 probinsiya

Power interruption mararanasan sa Metro Manila at 5 probinsiya

Magkakaroon ng scheduled power interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila at mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, Laguna, Quezon, at Rizal ngayong linggo dahil sa maintenance works ayon sa Meralco.

Kabilang sa maaapektuhan ang ilang bahagi ng Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Taguig, Quezon City at Mandaluyong, sa iba’t ibang araw mula ngayong araw, Nobyembre 23 hanggang 29.

Sa Bulacan, mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Malhacan sa Meycauayan sa Nobyembre 25; habang sa Cavite, maaapektuhan ang ilang lugar sa Trece Martires at Dasmariñas mula ngayong Lunes, Nobyembre 23 hanggang 26.

Sa Laguna, kabilang sa mga maaapektuhan ang ilang lugar sa Biñan, Los Baños, Calamba, Santa Rosa at Cabuyao mula bukas, Nobyembre 24 hanggang 28.

Sa Quezon, may power interruptions sa ilang bahagi ng Sariaya, Lucena, Pagbilao, Tiaong, Dolores at Candelaria mula Nobyembre 24 hanggang 27.

Sa Rizal naman, maaapektuhan ang ilang lugar sa Binangonan at Cainta sa Nobyembre 25 at 26, depende sa oras ng maintenance work.

Follow SMNI NEWS in Twitter