Presyo ng asukal, nakakaabot pa rin sa P136/kilo sa kasalukuyan—SRA

Presyo ng asukal, nakakaabot pa rin sa P136/kilo sa kasalukuyan—SRA

NAKAKAABOT pa rin ng hanggang P136 per kilo ang presyo ng asukal sa mga pamilihan.

Ayon ito sa Sugar Regulatory Administration (SRA) sa gitna ng pagdating ng mga inangkat na asukal.

Sa datos, ang refined sugar sa iba’t ibang groceries sa Metro Manila ay naglalaro sa pagitan ng P90.95 at P136 per kilo.

Sa mga public wet markets ay naglalaro naman sa P88 hanggang P110 per kilo.

Ang washed sugar ay nasa pagitan ng P85 hanggang P120 per kilo sa groceries store habang P85 hanggang P95 per kilo sa mga wet market.

Sa monitoring para sa raw sugar, nasa P85.60 hanggang P111 per kilo ang nasa supermarkets habang P80 hanggang P90 kilo sa public markets.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter