Publiko, pinag-iingat sa online job posting

Publiko, pinag-iingat sa online job posting

PINAG-iingat ng PNP Anti-Cybercrime Group ang publiko sa naglipanang online job posting upang maiwasan na mabiktima ng human trafficking.

Kahapon, na-indict ng Department of Justice (DOJ) sa 10 suspek na sangkot sa pag-recruit sa mahigit 1,000 dayuhan para magtrabaho sa isang call center sa Pampanga.

Pagdating ng Pilipinas ay kinuha umano ng mga suspek ang mga pasaporte ng mga dayuhan.

Sapilitang din umanong pinagtrabaho ang mga dayuhan ng 16 hanggang 18 oras at hindi nakatatanggap ng overtime pay.

Kabilang sa trabaho ng mga dayuhan ay manghikayat sa iba pang dayuhan na mamuhunan sa cryptocurrency.

Umaasa naman ang ACG na magsisilbing babala sa mga mangbibiktima gamit ang online job posting ang ginawang operasyon laban sa mga suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter