Sovereign wealth fund, ibabahagi ni PBBM sa WEF upang makahikayat ng investors

Sovereign wealth fund, ibabahagi ni PBBM sa WEF upang makahikayat ng investors

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipipresenta niya ang binabalangkas na sovereign wealth fund sa World Economic Forum (WEF).

Ito ay upang makahikayat ng mga investor sa agriculture, energy, digitalization at iba pang sektor.

 “We talk about the Philippines, what the situation is as an investment destination. Now, as added to that, mayroon na tayong pwedeng pag-usapan na sovereign wealth fund.”

“So sasabihin ko exactly what’s happened that we are forming a sovereign wealth fund for investments in the — for big investments in the basic areas such as agri, energy, digitalization, climate change, ‘yun ganon pa rin,” saad ng Pangulong Marcos.

Dagdag pa ng Pangulo na mabibigyan sila ng pagkakataon na maipresenta ang kasalukuyang lagay sa bansa at ang mga ginagawa ng pamahalaan.

Ngunit aniya nangyayari ang mga ‘best deals’ sa labas ng forum.

“Sometimes, the best deals are done outside of the forum. In fact, many — I’ll even say baka most of the best deals are done informally. Magkikita ‘yung dalawa, “mag-usap nga tayo dito.” They go to the one side. Tawag sa — in diplomatic phraseology they call it pull away. You know, they just pull somebody away, “usap tayo.” So we will have a lot of those because there are certain businessmen who are own business group want to engage” aniya.

Pilipinas, napipilitang mag-import ng ilang agri products dahil sa kakulangan ng produksyon – PBBM

Samantala sa isyu naman ng mataas na presyo ng mga agricultural products, napilitan na ang gobyerno ani Pangulong Marcos na mag-import o mag-angkat ng mga iba’t ibang produkto tulad na lamang ng pulang sibuyas at asukal.

“Papaano naman hindi tayo kailangan mag-import? Tingnan mo ‘yung production ng Pilipinas, tingnan mo ‘yung demand malayo talaga. Sinubukan natin na makuha lahat ng mga smuggled pero kulang pa rin kasi hindi rin natin nagamit ‘yung smuggled. So talagang we are forced to import,” ayon pa sa Pangulo.

Ayon kay Pangulong Marcos na kinakailangan ding masawata ang problema sa smuggling.

Kabilang aniya sa mahalagang hakbang na gagawin ng gobyerno ay ang digitalization ng Bureau of Customs.

Pilipinas, kinakailangan magkaroon ng sariling produksyon ng agri products – PBBM

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo ang kahalagaan na magkaroon ng sariling produksyon ng mga iba’t ibang produkto.

“The most important facet of this whole problem is production. We have to go back to the sugar industry. We have to go back to the onion growers and help them para magkaroon tayo ng production, hindi na tayo kailangan mag-import,” aniya pa.

 Isyu ukol sa pagtalaga ng ilang mga kalihim, sinagot ni PBBM

Samantala, sa iba pang usapin, ibinahagi naman ng Pangulo kung bakit pinalitan niya ang National Security Adviser.

“Well, first, si Secretary Carlos, I think she found it — she found that position to be a little bit political. Kasi hindi talaga siya sanay sa ganon at she is an academic, a retired academic”.

“Why Secretary — why Ed Año? Because he has a long, long, long experience in intelligence. Before he became chief of staff, before he became group commander. He was ISAFP. So sanay na sanay ‘yun and he’s well-known and he knows all of the operatives in the intelligence community.

 Itinalaga naman ni Pangulong Marcos si Sec. Carlito Galvez sa Defense Department dahil aniya ‘very experienced’ na ito,” tugon ni Pangulong Marcos.

Kailangan naman ang muling pagtalaga kay General Centino bilang AFP Chief aniya bilang pagsunod na rin sa seniority sa ranggo ng militar?

Nang tinanong naman kung magtatalaga ba si Pangulong Marcos ng full-time Agriculture Secretary, ito kaniyang naging sagot.

“When this is fixed, when we have the systems in place, yes, yes,” pagtatapos ni Pangulong Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter