Ramon Ang, handang ibenta ang Petron sa gobyerno

Ramon Ang, handang ibenta ang Petron sa gobyerno

NAKAHANDA si Business Tycoon Ramon Ang na ibenta sa gobyerno ang Petron Corporation nang walang tubo.

Ito ang inihayag ni Ang sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means kaugnay sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga panukalang suspendihin o kaltasan ang excise tax sa oil products ngayong araw.

Inamin naman ni Ang na labingwalong bilyong piso ang nawala sa kanila noong nakaraang taon dahil sa pandemya.

SMNI NEWS