DINAGSA ng libu-libong turista ang Thailand, mula nang magbukas nitong Nobyembre 1.
Aabot sa higit 20,000 turista ang dumagsa sa Thailand matapos magbukas ito ng International flights.

Sa pagbubukas ng bansa tanging mga turistang mula sa animnaput tatlong bansa na nasa green list ang maaaring makapasok sa pamamagitan ng air travel at hindi na kakailanganin pang dumaan sa quarantine period.
Subalit kinakailangang magdala ng patunay ang mga nasabing mga turista ay approved ng COVID-19 vaccine sa nakalipas na apatnaput walong oras at maging negative RT-PCR test result.

Kadalasan naman sa mga turista ay pumapasok sa Suvarnabhumi Airport, kung saan lima sa higit labindalawang libo ang nagpositibo sa COVID-19 habang sa Phuket Airport naman ay dinagsa ng higit anim na libong mga turista at sampu rito ang nagpositibo.
Samantala, nasa labinlimang turista ang nagpositibo sa COVID-19 sa pagpasok nito sa sa bansa o 0.07% sa kabuuang porsiyento ng mga turista na pumupunta sa bansa.
