Anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Pilipinas, ginunita sa Palo, Leyte

Anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Pilipinas, ginunita sa Palo, Leyte

GINUNITA ng Palo, Leyte ang pangwalong anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Pilipinas.

Matatandaang ang Yolanda ang isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ayon sa Philippine, Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA).

Mahigit anim na libo at tatlong daan ang namatay sa bansa at mahigit isang libo at pitong daan ang missing dahil sa bagyong ito.

November 03 hanggang november 11, 2013 naman nang ito’y nanatili sa Pilipinas.

Isinagawa naman sa Palo Metropolitan cathedral ang isang misa para sa paggunita ng pangwalong anibersaryo ng bagyong Yolanda.

SMNI NEWS