INABSUWELTO ng Malolos Regional Trial Court Branch 19 si Retired General Jovito Palparan at iba pang kasamahan nito.
Kaugnay ito sa kasong kidnapping at serious illegal detention hinggil sa pagkawala ng dalawang kabataan na pinaniniwalaang miyembro ng CPP-NPA-NDF na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño noong 2006.
Nahatulan si Palparan ng 40 taong pagkakakulong noong Setyembre 17, 2018.
Ang naturang mga kaso ay inihain ng mga magsasakang sina Raymond at Reynaldo Manalo na umano’y testigo sa kaso.
Si Palparan ay kilala dahil sa kampanya nito laban sa teroristang komunistang CPP-NPA-NDF habang nasa serbisyo bilang Army General.
