Romualdez, dismayado sa pagkakadawit ng 49 pulis sa P6.7-B shabu cover-up

Romualdez, dismayado sa pagkakadawit ng 49 pulis sa P6.7-B shabu cover-up

PINARE-reorganisa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-PDEG).

Kasunod ito sa pagkakasangkot ng ilang mga tauhan nito sa P6.7-B shabu cover-up na nakumpiska kay PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong 2022.

Ikinadismaya rin ni Romualdez ang pagkakadawit ng mga tauhan ng PDEG na siyang naatasang manghuli dapat sa iligal na droga.

Binigyang-diin din nito na dapat masusing imbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakasangkot ng pulis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter