Sal Panelo, tinawag na moro-moro ang pagdinig sa Kamara vs VP Sara

Sal Panelo, tinawag na moro-moro ang pagdinig sa Kamara vs VP Sara

Sinang-ayunan ng dating opisyal ng Malacañang ang desisyon ni Bise Presidente Sara Duterte na huwag dumalo sa pagdinig sa Kamara.

“Tama yung desisyon nila gaya ng sinabi natin maka ilang ulit na walang batayan ang impeachable offense na inihain laban kay VP Sara, kahit saan mo tignan in every corner in all form talagang wala,’’ ayon kay Atty. Salvador ‘Sal’ Panelo, Former Presidential Spokesperson.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Salvador Panelo, former Chief Presidential Legal Counsel, tungkol sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa hearing ng House Committee on Justice.

Sinisiyasat ng komite ang umano’y maling paggamit ng pondo at betrayal of public trust na nagawa umano ng pangalawang pangulo sa isyu ng confidential funds.

Kinuwestyon naman ni Panelo kung paano naging “sufficient in substance” ang reklamo kahit wala pang naipapakitang ebidensya.

Hindi rin niya maunawaan ang naging batayan ng ruling ng komite.

Giit din ni Panelo sa kaniyang programa sa SMNI na hindi magandang precedence ang ginagawa ng Kamara na pag-abuso sa kapangyarihan.

“Itong si luistro given the fact na abugado siya, di ko maintindihan, maliban nalang kung talagang sinusunod niya ang utos ng mga nasa taas eh nag rurule kana nga kayong mga nasa committee in justice na supisyente in substance ibig sabihin how can you rule sufficency and substance kung wala kayong ebidensiya eh bakit himihingi ka ng hearing para yung mga complainants mag bigay ng ebidensiya edi wala pala kayong ebidensiya bakit kayo nag rule ng sufficient in substance,’’ saad ni Atty. Salvador ‘Sal’ Panelo, Former Presidential Spokesperson.

Tinawag din ni Atty. Panelo na “moro-moro” ang ginagawa ng Committee on Justice.

Naniniwala siya na madi-dismiss lamang ang kaso pagdating sa Senado.

“Gaya ng sinabi natin noon pa na vavalidate na yan committee on justice moro-moro yan, yang plenary na botohan moro-moro din yan makakarating yan sa senado pero di kasing dami ng boto ng nakuha nila ng isang taon dismiss yan abswelto pag dating sa Senado,’’ dagdag nito.

Ang anak ni Panelo na si Atty. Paolo Panelo ang isa sa mga abogado ni VP Sara sa impeachment.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble