Sa Sulu, dalawang drug personalities ang arestado matapos ang isang buy-bust operation sa Barangay Buansa, Indanan noong Marso 23.
Nasamsam mula sa dalawang suspek ang humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4M.
Narekober din ang marked money, boodle money, cellphone, bag, at motorsiklo na ginamit sa transaksyon.
Ayon sa pulisya, agad na inaresto ang mga suspek matapos makumpleto ang bentahan mula sa isang poseur-buyer.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
